NADAGDAG ang aktor na si Piolo “Papa Pi” Pascual sa mga artistang nag-iindorso sa kandidatura ni dating senador
independent senatorial candidate Bam Aquino.
Noong Linggo ay sumama si Pascual sa motorcade ni Aquino sa ilang parte ng Metro Manila, kabilang ang
Mandaluyong at Cubao sa Quezon City.
Nakasama rin ni Aquino ang aktres na sina Iza Calzado at Bea Binene sa Mandaluyong, Quezon City, at Valenzuela. Bago nagsimula ang motorcade, sina Pascual, Calzado, at Binene ay
nag-flash ng No. 5 sign, ang numero ng dating senador sa balota. Noong umaga, sina Aquino at Binene ang nag-ikot sa Muntinlupa, Las Piñas, at Pasay kasama ang influencers na sina Kerwin King, Zion Aguirre, Gabe Pineda, Niño San Jose, Andrea Guevarra, Andrei Hermida, at Damien Villaflor
Inindorso rin ni Pascual si dating Vice President Leni Robredo nang tumakbo itong pangulo noong 2022.