Pinuno ng Vietnamese ‘5-6’ gang at kasamahan arestado – BI

VIETNAMESE leader ng lending gang at dalawa niyang kasabwat ay inaresto ng Intelligence division ng Bureau of Immigration (BI).

Ang mga suspeks ay inaresto sa Batangas at iba pang lugar sa Luzon ng mga tauhan ni BI-Intelligence chief Fortunato ‘Jun’ Manahan Jr.


Ayon sa report, nadakip ang mga suspeks sa Purok Rosal, Poblacion West sa Science City ng Munoz, Nueva Ecija, sa bisa ng mission order na inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente. ay kinilalang sina Vo Van Tai, 26, Vo Khac Binh, lalaki at Vo Thi Mai, babae, parehong 49 taong gulang.

Pinamumunuan umano ni Vo Van ang isang sindikato na inakusahan ng ilegal na pagpapahiram ng pera at pisikal na pananakit o pagkidnap sa mga hindi makabayad ng kanilang mga utang.

Lumipat pa umano ang mga operasyon ng kanyang sindikato sa iba’t ibang lugar sa Luzon para iwasang arestuhin at pagtakpan ang kanilang mga ilegal na gawain.


Nauna nang iniulat ng BI ang pag-aresto sa 8 iba pang miyembro ng gang, na nahuli sa Lemery Batangas noong Abril 28.

Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato ‘Jun’ Manahan Jr., na sa pagkakaaresto, nakitahan kay Vo Van ang isang pekeng BIR TIN ID na may alyas. Maging ang kanyang dalawang kasmahan ay gumamit ng mga pekeng dokumento at natuklasan na overstaying na sa ating bansa.


Inilipat ang tatlo sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig habang nakabinbin ang deportation proceedings.

Pinuri ni Morente ang intelligence division ng BI sa pag-aresto. “Itong mga ilegal na negosyante ay hindi welcome sa bansa. Hindi nila sinusunod ang ating mga batas, at kasabay nito ay nagdudulot ng takot at kaguluhan sa komunidad,” ani Morente. “Sisiguraduhin natin na kapag na-deport, hindi na sila makakatuntong muli sa bansa,”. (JERRY S. TAN)


Tags: Bureau of Immigration (BI)

You May Also Like