Pinsan daw ni Marcos, kinasuhan sa DOJ ng syndicated estafa

By: Philip Reyes

Sinampahan ng kasong syndicated estafa sa Department of Justice (DOJ) ng isang public relations consultant ang isang “scammer” na nagpapakilalang pinsan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Nabatid kay Jennylei Caberte, Chief Executive Officer ng Media Blitz PR consultancy, na umabot sa may P13 milyon ang nagoyo sa kanya ni Mario Pacursa Marcos.


Ang naturang halaga ay mula sa mga pina-organisang event sa kanya ng suspek kung saan binayaran siya ng suspek ng talbog na checks.

Bukod kay Caberte, nabiktima rin ni Marcos ng halagang P12 milyon ang Triple A contractor na si Phene Dy habang P800,000 naman ang nakuha kay Retired Army Brigadier General Arnulfo Jose Marcos.

Nabatid na pinaniwala ng suspek ang kanyang biktima na si Dy na bibigyan ng isang kontrata para sa isang proyekto sa ilalim ni Pangulong Marcos.


Nakumbinsi naman ang retiradong Heneral ni Marcos na mag-invest sa isang proyekto dahil sila umano ay magkamag-anak.


Tags: Department of Justice (DOJ)

You May Also Like

Latest News