Pinoy na fully-vaccinated na vs. COVID-19, nasa 73.8M na — DOH

Umaabot na sa mahigit 73.8 milyon ang mga Pinoy na fully-vaccinated na laban sa COVID-19.

Sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Martes, nabatid na hanggang nitong Enero 30, 2023 ay nakapagtala na sila ng mahigit sa 73.8 milyong indibidwal na itinuturing na fully-vaccinated na laban sa virus.


Sa naturang bilang, mahigit 21.3 milyong indibidwal ang nakatanggap na ng kanilang first booster dose habang halos 3.9 milyon naman ang nakatanggap ng second booster shots.

Samantala, nakapagturok na rin ang pamahalaan ng bakuna sa mahigit sa 6.9 milyong senior citizen.

Mahigit naman sa 10 milyong adolescents na rin ang fully-vaccinated na habang halos 1.2 milyon sa kanila ang nabigyan na ng boosters shots.


Sa mga kabataan naman, naitala sa mahigit 5.4 milyon ang fully-vaccinated na.

Kaugnay nito, patuloy namang hinihikayat ng DOH ang publiko na magpabakuna na upang maprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa COVID-19. (Anthony Quindoy)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like