Pinoy mountaineer, namatay bago maakyat ang tuktok ng Mt. Everest

By: Philip Reyes

ISANG Filipino mountaineer ang iniulat na namatay noong Huwebes bago pa nito maakyat ang tuktok ng pinakamataas na bundok sa mundo — ang Mt. Everest.

Kinilala ang nasawing Pilipino na si Engr. Philipp Santiago II, 43-anyos, miyembro ng 2025 Mountaineering Association of Krishnanagar-Snowy Everest Expedition.


Sa report ng Himalayan Times, iniulat na nasawi si Santiago habang naghahanda sa Camp 4 na umakyat sa Mt. Everest.

Kinumpirma na ng pamilya ni Santiago ang malungkot na balita at humihingi sila ng “privacy” sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.


Tags: Engr. Philipp Santiago II

You May Also Like