Latest News

Pinoy cyclist, na-hit and run sa New Taipei

PATAY ang isang Pilipinong cyclist matapos na mabiktima ng hit and run ng isang lasing na driver sa Bali District, New Taipei.

Nabatid na wala nang buhay ang nasabing cyclist nang dumating ang mga lokal na pulis.

Habang naaresto naman alas 9:49 ng umaga ang tumakas na suspek na.may apelyidong Chien at lumabas sa eksamin na lagpas sa above legal limit na 0.25 milligrams per liter, ang alkohol sa kanyang katawan. Siya ay kasalukuyang nakadetine sa New Taipei City Police Department.


Nabatid na naganap ang akaidente alas 4:27 ng madaling araw malapit sa Rui-Ping Elementary School, kung saan kasama umano ng 32-anyos na biktima ang tatlo pang siklista na mula sa Linkou District to Bali.

Nabatid sa pulisya na nabundol umano ang biktima sa likurang bahagi at inabandona ng suspek.

Isinugod ang biktima sa Mackay Memorial Hospital sa Tamsui pero wala na itong buhay

Nalaman na ang mga Pilipinong cyclist ay makikipag-compete sa Double Home Court Western Coast Highway Cycling Championship, isang annual long-distance race na inisponsoran ng Taiwan Bike Association.


Tags: ,

You May Also Like

Most Read