Makaraang koronahan bilang Miss International Queen 2022 sa Thailand, umuwi na sa bansa ang Pinay pride na si Fuschia Anne Ravena.
Si Ravena ay dumating ng July 11, 5:30 p.m. lulan ng PAL flight PR 731 mula Thailand, sa NAIA Terminal 2.
Ayon sa kanya, inihahandog niya ang kanyang pagkapanalo sa kanyang ina na namatay nitong nakaraang taon lang.
Si Ravena na taga-Cebu City, ay ang ikatlong Pilipina na nagwagi ng korona sa kauna-unahang pageant para sa mga transgender women. Sinundan niya sina Kevin Balot nananalo noong 2012 at Trixie Maristela na nanalo noong 2015.
Nagwagi namang 1st at 2nd runners-up kay Ravena sina Jasmine Jimenez ng Colombia at Aëla Chanel ng France.
Ang nasabing international pageant ay kauna-unahan para sa mga transgenders. (Baby Cuevas)