Latest News

PINANGANGAMBAHANG NAMATAY SA BAGYONG AGATON, AABOT NG 34

MAY 22 bangkay na ang inulat na na-recover habang may anim pa ang sinasabing nawawala matapos matabunan ng gumuhong lupa sa kasagsagan ng pananalasa ng Tropical Storm Agaton sa Baybay City sa Leyte.

Sinasabing narekober na sa ginawang search and rescue operations ang 22 residente na natabunan ng lupa sa Baybay City ayon sa report na ibinahagi ni Police Colonel Jomel Collado, hepe ng pulisya ng lungsod.

May anim pang residente ang hinahanap sa naganap na anim na insidente ng landslide sa Region 8, kabilang ang lungsod ng Baybay dahil sa bagyong Agaton na nagpalambot umano ng lupa.


Ayon kay City Police Chief Colonel Jomen Collado, narekober ang labi ng mga ito sa apat na barangay, 16 aniya ang nakuha sa Barangay Mailhi, dalawa sa Barangay Maypatag, isa sa Barangay Bunga at tatlo sa Barangay San Agustin.

Samantala, batay sa inilabas na situational Report ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) kahapon ng umaga ay nasa 14 na indibidwal pa lamang ang naiulat sa kanila na nasawi sa naturang lugar at kasalukuyan pa itong bina-validate.

Samantala ay may tatlong reported death sa Region 7 at tatlo rin sa Region 11.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, karamihan sa mga casualty ay dahil sa landslide na dulot ng walang tigil na pag-ulan.


Kasunod nito, nagpapatuloy pa rin aniya ang search and retrieval operations ng mga awtoridad.

Pero sa opisyal na datos ng ahensiya, nasa tatlo pa lamang ang mga namatay dahil sa bagyo na naitala mula sa Davao Oriental habang isa ang nawawala at dalawa ang sugatan,

Sa kabuuan, nasa 86,515 pamilya o katumbas ng 136,390 indibiwal ang apektado ng Bagyong Agaton.

Dagdag pa nito, may anim na insidente pa ng pagguho ng lupa sa ibat-ibang bahagi ng lungsod at hindi pa kumpleto ang mga impormasyon na kanilang nakalap.


Ayon kay Philippine National Police (PNP) Region 8 Regional Director Bgen. Bernard Banac, ngayong araw ay inaasahan na magpapatuloy ang paghahanap sa mga nawawala bagamat nagpapatuloy ang pag-ulan sa lungsod.

Nabanggit din ni Collado na ang trahedya na dala ng bagyong Agaton ay ang kauna-unahan sa Baybay City.

Maraming lugar sa lungsod ang nanatiling lubog sa tubig baha.

Pero ayon kay Bgen. Banac, isasailalim pa sa validation ang 22 para matukoy kung talagang sila ay namatay dahil sa hagupit ng Bagyong Agaton.

Samantala, may 198 na pulis sa kasalukuyang naka-deploy sa mga lugar na apektado ng Bagyong Agaton.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief PBGen. Roderick Augustus Alba, bahagi ito ng Disaster Response Operational Procedure ng PNP na ipinatupad bago pa man nanalasa ang bagyo.

Aniya, patuloy na tumutulong sa mga Local Government Units (LGU) ang mga pulis sa pag-evacuate ng mga tao mula sa mga geohazard areas.

Nagsasagawa rin sila ng mga rescue operations sa mga na-stranded dahil sa baha dulot ng matinding ulan dahil sa epekto ng bagyo sa Eastern Visayas at CARAGA Region.

This, despite the preemptive evacuation for the residents in the area, pahayag ni Office of Civil Defense-Eastern Visayas assistant regional director Rey Gozon.

“Nagkaroon po ng preemptive evacuation ang local government. Nagbigay pa din po sila ng advisory sa within (area of responsibility) ng Baybay City, kaya nga hindi ito inaasahan na mangyari talaga kasi hindi naman siya ganoon ka-high risk yung area for landslide,” paliwanag pa ng opisyal. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read