Latest News

PINAKAMABABANG KASO NG COVID-19, NAITALA NUNG FEB. 21

NAITALA ng Department of Health (DOH) ang pinakamababang bilang ng mga arawang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong taon.

Batay sa case bulletin #709, nabatid na nakapagtala lamang ng 1,427 new COVID-19 cases ang DOH nitong Lunes, Pebrero 21. Mas mababa ito kumpara sa 1,712 na naitala naman noong Linggo, Pebrero 20.

Dahil dito, ang Pilipinas ay mayroon na ngayong 3,653,526 total COVID-19 cases.

Sa naturang bilang, 1.6% na lamang o 58,657 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Kasama dito ang 53,326 na mild cases, 2,845 na moderate cases, 1,422 na severe cases, 760 na asymptomatic cases, at 304 na critical cases.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 3,269 na mga pasyenteng gumaling na sa karamdaman kaya’t sa kasalukuyan mayroon ng 3,539,106 total recoveries ang bansa na 96.9% ng total cases.

Nadagdagan pa rin naman ng 79 ang COVID-19 deaths sa Pilipinas na umaabot na ngayon sa kabuuang 55,763 o 1.53% ng total cases. (Jaymel Manuel)

Tags:

You May Also Like

Most Read