Si Sen. Erwin Tulfo habang nagsasalita sa 151st Inter-Parliamentary Union (IPU).

PINAGTIBAY ANG PANATA NG PILIPINAS NA SUNDIN ANG INT’L HUMANITARIAN LAW, SUPORTAHAN ANG KAPAYAPAAN SA GAZA, PINAGTIBAY NI SEN. ERWIN TULFO

By: Jerry S. Tan

Pinagtibay muli ni Senate Committee on Foreign Relations Vice Chairman Erwin Tulfo ang posisyon ng Pilipinas na ipagtanggol ang International Humanitarian Law at nagpahayag ng pagkundena sa digmaan at karahasang nakaaapekto sa mga sibilyan sa buong mundo—lalo na sa Gaza, Israel, at Ukraine—sa kanyang pagdalo sa plenary session ng ika-151 na ng Inter-Parliamentary Union (IPU) noong Oktubre 22.

Sa kanyang talumpati sa mga mambabatas mula sa iba’t- ibang panig ng mundo bilang pinuno ng delegasyon ng Pilipinas sa IPU, binigyang-diin ni Tulfo ang datos mula sa United Nations na nagpapakita na daan-daang milyong tao ang naghihirap dahil sa patuloy na mga digmaan at mga negatibong epekto ng climate change.


“Violent conflicts continue to persist despite all efforts toward peace. Some have just erupted, others are on the brink, while several have endured for decades. The consequences are devastating—lives lost, communities displaced, and vital infrastructure destroyed,” ani Tulfo.

“These are stark reminders that conflict and climate both threaten our shared humanity. We cannot, and must not, accept this as the norm. Wars and violent conflicts have no place in a civilized world,” kanyang binigyang-diin.

“For our part, the Philippines renounces war as an instrument of national policy and upholds peace, justice, cooperation, and amity among all nations, as enshrined in our Constitution.”

Muling iginiit ni Tulfo ang suporta ng Pilipinas para sa ligtas, tuluy-tuloy, at walang sagkang paghahatid ng humanitarian assistance para sa mga sibilyan sa Gaza, ang pag-anunsyo ng Israel-Hamas peace plan, at ang pagtigil ng labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Habang ipinapahayag ang suporta para sa mga negosasyong pangkapayapaan, binigyang-diin din ni Tulfo ang kahalagahan ng pananagutan para sa mga lumalabag sa International Humanitarian Law at tinawag na “greatest injustice of all” ang kawalan ng aksyon sa nangyaring pagdurusa ng mga apektadong sibilyan.




Sa gitna nang ang Pilipinas ay kumakandidato para maging non-permanent member ng United Nations Security Council para sa taong 2027-2028, tiniyak ni Tulfo sa mga miyembro ng IPU na makikipagtulungan ang Pilipinas sa lahat ng mga bansa upang ipagtanggol ang batas, itaguyod ang mapayapang resolusyon ng mga hidwaan, at tiyakin ang proteksyon ng mga sibilyan sa lahat ng pagkakataon kapag ito ay mahalal sa pwesto.

“The Philippines envisions a world where respect for international humanitarian law is not only aspirational but operational; not only occasional but enduring,” pagtatapos ni Tulfo.



Tags: Sen. Erwin Tulfo

You May Also Like