Pilipinas nasa ‘very low risk’ sa COVID-9 sa kabila ng surges sa mga kalapit-bansa

NANANATILING nasa “very low risk” sa COVID-19 ang Pilipinas sa kabila ng mga nagaganap na surge sa mga karating na bansa.

Ayon sa OCTA Research Group patuloy ang surge sa COVID 19 sa Vietnam, Malaysia, Singapore, at Brunei pero hindi apektado ang bansa at nanatiling nasa very low risk.

Sa Tweet ni OCTA Research fellow Dr. Guido David,sinabi nito na nakapagtala ang Pilipinas ng average daily attack rate (ADAR) na 0.47 noong Marso 18 at seven-day average na 527 kaso kada araw.


Ang ADAR ay tumutukou sa bilang ng mga bagong kaso sa 100,000 katao .

Samanyala, ang growth rate sa mga bahong kaso nitong nakalipas na linggo kumpara sa kasalukuyang linggo ay -22%.

Unang inianunsiyo ng Department of Health (DOH) na lahat ng.lugar sa bansa ay ikinukunsidera ng low risk sa COVID19

Iniulatnrin ng OCTA na ang Timor Leste, Taiwan, Cambodia, at China ay nasa “very low risk” na rin at ang kanilang ADAr ay nasa 0.13 hanggang 0.86.


Samantala sa South Korea, Vietnam, Hong Kong, Malaysia, Singapore, at Brunei ay pawang nasa ilalim ng “severe” category, kung saan ang South Korea ang nakapagtala ng pinakamataas na ADAR sa East Asia countries na nasa 788.15.

Habang ang Japan at Thailand, ay nasa ilalim ng “very high” category na.may ADAR na 39.68 at 34.18.

Sinabi ng OCTA na ang Indonesia at Laos ay kapwa nasa “moderate” risk sa COVID-19 at ang Myanmar ay nasa ilalim ng “low” risk na may 1 .08 ADAR.

Sa Pilipinas, ang National Capital Region at 47 ay nasa ilalim ng areas were Alert Level 1 mula Marso 16 hanggang Marso 31. (Philip Reyes)


Tags: OCTA Research Group

You May Also Like

Most Read