Latest News

Pilipinas, nangunguna sa may pinakamaraming bininyagang Katolikong Kristiyano

NANGUNGUNA umano ang Pilipinas sa mga bansang Kristiyano na may pinakamaraming nabinyagan.

Sinabi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, patuloy na yumayabong ang pananampalatayang Kristiyano sa bansa at higit na namunga makalipas ang limang sentenaryo.

“I am glad to share that the Philippines has the highest number of baptisms in 2020 compared to other places in the world. A living testament of faith in the 500 years of Catholicism in the country,” ayon kay Archbishop Brown.


Base sa datos ng Apostolic Nunciature mula sa Statistical Yearbook of the Church 2020, naitala ng Pilipinas ang 1,603,283 bininyagan.

Nabatid na ibinahagi ni Archbishop Brown ang nasabing datos kasabay ng pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon nitong Abril 17, 2022.


Sumunod umano sa Pilipinas ang Mexico na may 1,537,710; Brazil na may 1,126,152 habang 1,533,666 sa Europa o pinagsamang halos 50 mga bansa.

Una nang pinasalamatan ni Pope Francis sa pagdiriwang ng 500YOC ang mga Pilipino sa pagiging ‘smuggler of faith’ sa iba’t ibang bahagi ng daigdig sa pamamagitan ng mga Overseas Filipino Workers.


Pinalawig rin ng santo papa ang paggawad ng plenary indulgence sa Pilipinas hanggang sa December 31, 2022 bilang pasasalamat sa 500 Years of Christianity.(Jaymel Manuel)

Tags: Philippines Archbishop Charles John Brown

You May Also Like

Most Read