Sa kauna-unahang pagkakataon nakakuha ng isang “seat” o puwesto ang Pilipinas sa United Nations body na mangangasiwa sa implementasyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Nabatid sa Philippine Mission to the UN, nahalal ang Pilipinas noong Hunyo 15 para sa isang ‘seat’ sa Asia-Pacific group ng Commission on the Limits of the Continental Shelf sa isinagawang 32nd meeting ng state-parties sa UNCLOS.
Nalaman na naging katunggali ng Pilipinas sa puwesto ang 8 estado at naabot nuto ang kinakailangan na boyo na 113 mula sa kabuuang 164 states matapos ang apat na
rounds ng botohan.
“This is the first time that the Philippines, an archipelagic state, will serve in the Commission,” ayon sa New York-based Philippine mission.
“The Philippines’ election promotes the principle of rotation, inclusion, and representation among the UNCLOS States,” dagdag ng CLCS.
Bukod pa sa bahagi ng trabaho ng CLCS ang magrekomenda sa ciastal states sa bagay na kanilang nasasakupan.
Samantala, pinasalamatan naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang China sa pagsuporta sa Pilipinas.
Nabatid na si National Mapping and Resource Information Authority Deputy Administrator Efren P. Carandang ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa CLCS kung saan magsisilbi ito mula 2023 hanggang 2028. (Jaymel Manuel)














