PILIPINAS MARAMING PWEDENG MAGING KAALYADO; CHINA DAPAT NA MAGPAKITA NG PRUWEBA PARA PAGKATIWALAAN

By: Victor Baldemor Ruiz

Ayon sa bagong talagang Defense Secretary Gilberto Gibo Teodoro , kailangan kailangan ng China na magpakita ng pruweba para mapagkatiwalaan.

Sa isang panayam ay sinabi Ni Defense Secretary Teodoro sa China na dapat itong sumunod sa kanilang obligasyon sa ilalim ng international law at mariing inihayag ang kahalagahan nito para makamit ang tiwala ng bansa .


Nabatid na ito ang naging tugon ng kalihim ng hingan ng komento hinggil sa naging pahayag ni Commodore Jay Tarriela, Philippine Coast Guard spokesperson sa West Philippine Sea, na nagtanong sa China Defense Minister na bakit iba ang ginagawa ng kanilang mga tauhan sa ground sa sinasabi ng kanilang mga lider.

Tanong ni Tarriela sa China’s defense minister , gusto ninyong isulong ang mapayapang pag-uusap sa halip na confrontation hinggil sa maritime issues, subalit tila umano may “apparent disconnect” sa pagitan ng mga sinasabi sa ginagawa.

Ayon sa defense chief , kailangan na maging transparent ang China dahil ito ang pinakamainam na paraan para mapagkatiwalaan.


Sa panayam kay Teodoro , ay inihayag nito ang isa sa mga pangunahing direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ay: “ our territory is our territory and (?) the basis of that cannot be changed by the passage of time nor changes in the administration.”

“As a stronger country, it has the bigger obligation to be magnanimous and show trust and to earn the trust of the Filipino people by conforming its activities to recognize norms of international law, which in our case is [United Nations Convention on the Law of the Sea], you know,” paliwanag pa ng kalihim.


“We are talking about the arbitral award. It has already been stated by our two past presidents that our rights and our territory are defined by UNCLOS and it has been stated too that this cannot be frittered away or bargained away by passages of administration,” dagdgap nito.

Maliban sa Estados Unidos, nakikipag-usap ang Pilipinas sa ilan pang bansa na maaaring maging kaalyado ng Pilipinas para mapalakas ang depensa nito.


Tinutukoy ni Defense Sec. Gibo Teodoro ang Israel, Japan, Korea at Sweden na kabilang sa mga nakikitang posibleng maging katuwang ng bansa sa usapin ng defense and security.

Tags: Defense Secretary Gilberto Gibo Teodoro

You May Also Like

Most Read