Mananatili umano na nasa state of calamity ang Pilipinas hanggang sa katapusan ng 2022, batay sa nilagdaang Proclamation No.57 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Gayunman,ito ay maaring tanggalin nang mas maaga sa Disyembre 31 o maari pa din na ma-extend, depende sa mangyayaring situwasyon at sa ipinakikita ng mga dokumento.
Kung sakali na magkatoon ng extension, inaatasan ni Marcos ang lahat ng government agency at local government units na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong at kooperasyon sa isa’r-isa at gamitin ang kinakailangan na resources. Maari umano itong mai-extend ng hanggang 3 buwan.
Inatasan rin ang lahat ng law enforcement agencies na tiyakin ang kaayusan at kapayapaan.
Nakasaad sa proklamasyon na dapat na irerekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang nasabing extension. (Arsenio Tan)