Makikipag-partner si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa France para sa paggamit ng nuclear energy .
Ito ay bahagi ng napag-usapan sa naganap na bilateral meeting nila ni French President Emannuel Macron sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Thailand.
“I’m very confident that it will be a strong partnership simply because they have up to 67 percent of their power production is from nuclear energy so they are very, very used to it,” ayon kay Marcos.
Sinabi ni Marcos na gusto niya na makausap si Macron dahil sa gumagamit ang France ng nuclear power.
Matatandaan na noong panahon ng.kampanya, sinabi nito na dapat na buhayin ang 621-megawatt Bataan Nuclear Power Plant ,na isinulong ng kanyang namayapang ama noong 1986 pero hindi natuloy matapos ang usapin sa kaligtasan ng planta.
Sinabi rin ni Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na determinado siya na i-adopt ang pagtatayo ng nuclear power plants.
Kaugnay nito,napag -usapan rin nila ni Macron kung papaano makakakuha ng tulong ang Pilipinas sa isyu ng depensa sa Asia-Pacific region. (Jantzen Tan)