NAKATAKDANG lumipad ngayong Martes ang 90- man team na binuo ng Department of Nationals Defense -National Disaster Risk Reduction Management Council patungong Myanmar para tumulong sa isinasagawang ‘humanitarian effort ‘ kasunod ng intensity 7.7 earthquake na tumama sa nasabing bansa.
Iinutos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ang pagpapadala ng humanitarian mission sa earthquake- hit Myanmar para tumulong sa search and rescue operation at medical emergencies.
Napag-alaman na nagkukumahog ngayon ang iba’t-ibang rescue volunteers para hanapin ang daaang ‘missing’ o nawawala at pinaniniwalaang natabunan ng mga gumuhong gusali, kasunod ng lindol na tumama sa bayan ng Mandalay nitong Biyernes na kumitil na ng mahigit 1,600 katao.
Kabilang sa mga ipapadala ng gobyerno ng Pilipinas ang ilang sundalo, medical personnel at search, rescue and retrieval (SRR) teams sa Myanmar.
Gaganapin ang send-off ceremony sa Colonel Jesus Villamor Air Base sa Pasay City Martes ng umaga at posibleng tumagal ang 90 -man team sa Myanmar ng dalawang linggo
Nagbabala ang NDRRMCC at OCD sa sambayanang Pilipino na sana ay maging wake-up call ang malakas na lindol na tumama sa Myanmar at Thailand para seryosohin ang mga isinasagawang nationwide earth quake drill bilang paghahanda sa the Big One.
Ayon Kay OCD administrator Usec Ariel Nepomuceno, baka Hindi kayanin ng maraming lugar sa bansa sakaling tumama sa ating bansa ang magnitude 7.7earthquake
Samantala, si Defense Secretary and National Disaster Risk Reduction and Management Council Chairman, Gilberto Teodoro, Jr., ay nagpahatid ng kanyang pakikiramay sa bansang Myanmar: “We stand in solidarity with Myanmar during this difficult time. The Philippines is ready to respond to the urgent needs of our neighbors, and we are mobilizing resources to provide assistance as quickly as possible.”














