Latest News

PILIPINAS, KASAMA NG U.S AT JAPAN SA TRILATERAL CYBER AND DIGITAL DIALOGUE

By: Victor Baldemor Ruiz

Nagkaroon ng trilateral dialogue sa pagitan ng United States, Japan at Pilipinas sa katatapos lamang na United States-Japan-Philippines Trilateral Cyber and Digital Dialogue sabay ng ginanap na 9th Singapore International Cyber Week.

Pinangunahan ito bilang co-chair nina United States Ambassador at Large for Cyberspace and Digital Policy Nathaniel Fick, Japan’s Deputy Director-General of Foreign Policy Bureau in the Ministry of Foreign Affairs Yukio Saita at Philippine Undersecretary for Infostructure Management, Cybersecurity and Upskilling Jeffrey Ian Dy. Dinaluhan ang nasabing talakayan ng mga kinatawan mula sa ibat- ibang ahensiya ng tatlong bansa .

Sa nasabing dialogue, tinalakay ang trilateral cooperation sa cyberspace, kasama ang civilian cybersecurity capacity building, cybersecurity workforce development, maritime cybersecurity at information sharing.


Binalangkas din ang cyber and digital capacity building at ang oportunidad na paganahin ang trusted flow ng data sa tawid ng mga borders at ang tuloy -tuloy na pagsisikap na isulong ang Global Cross-Border Privacy Rules Forum.

Nagkasundo ang tatlong bansa na tuloy-tuloy nilang pagsisikapan na linangin ang international cyberspace stability, data security and privacy at cyber and digital capacity building sa rehiyon, kung saan ang integration ng cybersecurity, sustainable development and technology ay magsusulong naman ng economic growth at pagagandahin ang pamumuhay ng kanilang mamamayan.


Samantala, nangako naman ang U.S. na susuportahan nila ang cyber capability building ng Department of National Defense ng Pilipinas.

Ito ay makaraang makipag-pulong si DND Undersecretary for Strategic Assessment and Planning Ignacio Madriaga kay US Cyber National Mission Force (CNMF) Commander Major General Lorna Mahlock para talakayin ang mga malalaking hamon na kinakaharap ng dalawang bansa sa cyberspace at aralin ang mga posibleng daan para suportahan ang Philippine defense department’s cyber-capability building efforts.


Ang CNMF ay inilaang cyber unit na nasa ilalim ng U.S. Cyber Command (USCYBERCOM), na responsable para sa planning, directing and synchronizing cyberspace operations para protektahan at labanan ang mga banta sa national security. Mula nang likhain ang CNMF , ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pagdepensa sa United States sa kanilang mga cyber adversaries.

Inihayag ni MGen Mahlock ang pangako ng U.S. na palalakasin pa lalo ang partnership sa kanilang mga allied cyber forces, sa pamamagitan ng collaboration sa pagitan ng USCYBERCOM/CNMF at ng Armed Forces of the Philippines Cyber Command (AFPCYC).

Tags: 9th Singapore International Cyber Week

You May Also Like

Most Read