Latest News

Pilipinas, kalmado lang sa tensiyon sa Taiwan Strait

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa lahat ng sangkot na partido sa tumataas na tensiyon sa Taiwan Strait na manatiling kalmado at patuloy na magsagawa ng dayalogo para magkaroon ng mapayapang solusyon.

Sa kanyang talumpati sa ginanap na pulong sa Asia Society forum sa New York nitong Sabado ng umaga ,inihayag ni Marcos ang kahalagahan ng pananatili ng “channel of communication” para magkaroon ng mapayapang resolusyon sa isyu.

“We urge all parties involved to exercise maximum restraint. Dialogue and diplomacy must prevail,”ani Marcos.


“We adhere to the One China Policy and have consistently called for the peaceful resolution of the issues involving Taiwan,” dagdag pa ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na patuloy silang magta trabaho para palakasin ang Asean partikular na ang diyalogo ng pakikipag partner sa mga kalapit bansa para matamo ang kapayapaan at seguridad.

Nabatid na naka sentro ang historic speech ni Marcos sa United Nations General Assembly noong Martes ay ang pagpapanatili ng kapayapaan,security at stability ng bawat bansa. (Jaymel Manuel)


Tags: Jr., Pangulong Ferdinand Marcos

You May Also Like

Most Read