KABILANG si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez, Jr. sa may 90 kinatawan ng iba’t-ibang bansa na lumahok sa Ukraine peace summit na ginanap sa Buergenstock, Switzerland.
Nagtipon- tipon ang mga pinuno ng iba’t- ibang bansa upang magkaroon ng consensus hinggil sa peace proposal ng Ukraine.
Magugunitang hinirang mismo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. si OPAPRU Secretary Carlito Galvez, Jr. na kanyang kahalili para kumatawan sa Pilipinas sa isinagawang peace summit.
Para kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, naging matagumpay ang peace summit dahil sa mga dumalong world leaders na maituturing umano na ‘historical’.
Hindi rin nakadalo sa peace summit si US President Joe Biden subalit kanyang ipinadala si US Vice President Kamala Harris.
Nakatuon ang usapin ng peace summit sa isyu hinggil sa giyera maging sa pagkain at nuclear security.
Nakipagpulong si Defense Secretary Gilbert Teodoro, Jr. kay New Zealand Deputy Prime Minister at Minister of Foreign Affairs Right Honorable Winston Raymond Peters nitong nakalipas na linggo upang matalakay ang kahalintulad na kasunduan gaya sa Estados Unidos.
Ayon sa kagawaran, ito ang unang pagkakataon na bumisita ang isang mataas na opisyal mula sa New Zealand.
Nagpahayag naman si Teodoro ng pasasalamat sa matibay na suporta ng New Zealand sa Pilipinas.
Sa bisperas ng summit, sinabi ni Russian President Vladimir Putin na tatapusin ng Russia ang digmaan kung papayag ang Kyiv na ihinto ang mga ambisyon nito sa NATO at ibigay ang apat na probinsya na inaangkin ng Moscow, ngunit mabilis silang tinanggihan ng Ukraine at ng mga kaalyado nito.
Sinisikap ng Pilipinas na bumuo ng isang defense cooperation agreement sa New Zealand na katulad ng Visiting Forces Agreement ng bansa sa Estados Unidos.