Latest News

PILIPINAS, INSURGENCY- FREE NA SA TAONG 2028

By: Victor Baldemor Ruiz

POSITIBO si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. na mapagtatagumpayan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. maging ganap na isang insurgency-free na ang Pilipinas sa taong 2028.

Ayon kay Sec Galvez “Nakita ko sa assessment ko, it is very achievable kasi nakikita natin maganda ang patutunguhan ng ekonomiya ng ating bansa.”

Sa ginanap na pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ng kalihim na susi nito ang pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para maisakatuparan ang minimithing pangmatagalang kapayapaan sa buong bansa.


“At the same time, nakita natin na the national agencies are now getting together to have a convergence to solve the basic issues and the drivers of conflict,” dagdag pa ni Galvez

Kaugnay nito, pinapurihan ni national peace adviser ang AFP at PNP sa kanilang walang humpay na pagsusumikap upang sugpuin ang puwersa ng mga rebelde sa buong bansa kaya wala nang nalalabing active guerilla front ang New People’s Army, ang armadong galamay ng Communist party of the Philippines.


Nabatid na nagtakda ang security forces ng kanilang deadline na wakasan ang insurgency bago matapos ang taon.

Mula sa dating 80 guerrilla fronts sa buong bansa, ang natitirang mga aktibong grupo ay makikita na lamang ngayon sa iilang piling lugar partikular sa Samar, Bicol at Negros na itinuturing na mga remnants ng ilang weakened guerilla front.


Dahilan umano ito kaya marami nang NPA rebels at mga kasapi ng militiang bayan mula sa mga kanayunan ang nagsusuko ng kanilang sandata at siya ngayong pinagbubuhusan ng resources ng pamahalaan para sa pagpapalaganap ng kapayapaan at kaunlaran.

Tags: Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr.

You May Also Like

Most Read