Nanindigan si Solicitor General Menardo Guevarra na hindi makikipag- cooperate ang Philippine government sa International Criminal Court (ICC) habang nakabinbin ang pinal na ruling sa kahilingan na simulan ang imbestigasyon sa drug war ng administrasyon ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.
Ang pahayag ay ginawa ni Guevarra nang tanungin kung anong legal na hakbang kung.magpapatuloy ang ICC sa imbestigasyon.
“We can appeal. The public can appeal the ruling that merong jurisdiction, admissible ‘yung Court, we can challenge that,” ani Guevarra.
” In the meantime that there is no final ruling on the administrability of the case or jurisdiction, I don’t think the Philippine government will extend a lot of cooperation to the ICC,”dagdag pa ni Guevarra.
Nabatid na iginiit ng bansa sa iCC na huwag buksang muli ang imbestigasyon sa ICC dahil walang silang hurisdiksyon kaugnay dito.
Ayon kay Guevarra ,magkakaroon lang ng hurisdiksyon ang ICC sa krimen kung ito ay genocide, crimes of aggression, crimes against humanity at war crimes.
Sinabi ni Guevarra na ang lahat ng ito ,maging ang krimen laban sa sangkatauhan, ay hindi applicable sa Pilipinas.
Inamin naman ni Guevarra na lehitimo ang anti- drug operation na nagresulta ng pagkamatay ng mga suapek
“‘Yun nga ‘yung iniimbestigahan natin. Hindi naman ibig sabihin na kung may 6,000 persons na namatay, eh lahat ng 6,000 cases na ‘yan ay illegal or unlawful. In-isolate na natin,” giit ni Guevarra.
Binigtan diin pa ni Guevarra na unfair sabihin na hindi genuine ang isinasagawang imbestigasyon ng gobyerno.
Napag-alaman na ang Pilipinas ay nag-withraw sa Rome Statute noong Marso 2019 at wala namang intensiyon si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na muling sumali sa ICC. (Jaymel Manuel)