Nadamay ang Pilipinas sa mga pasaring ng China kasunod ng ginawang pagbisita ni United States (US) House of Representatives Speaker Nancy Pelosi sa Taipei, Taiwan nitong Martes.
Ito ay sa likod ng mga panawagan ng China na huwag labagin ng US ang kanilang “One China Policy” at huwag kapitalan ang isinusulong na independence ng Taiwan.
Sa inilabas na pahayag ng China ay hindi nakaligtas ang Pilipinas sa mga parunggit ng kanilang Foreign Ministry.
“ The one-China principle is an international consensus and universally recognized basic norm governing international relations. It is also the political foundation of China-Philippines relations. It is our hope that the Philippine side will strictly abide by the one-China principle and handle all Taiwan-related issues with prudence to ensure sound and steady development of China-Philippines relations, ” ayon sa pahayag na ibinahagi ng Chinese Embassy sa Pilipinas.
Agad na tinutulan ng China ang nasabing planong pagbisita ni Speaker Nancy Pelosi , dahil malinaw umanong major provocation ito sa panig ng United States na mistulang naglalaro umano ng apoy.
Ayon naman sa pahayag ni Chinese State Councilor and Foreign Minister Wang Yi, “I want to stress that the one-China principle is the key stabilizing force for peace and stability across the Taiwan Strait and the three China-U.S. joint communiques are the real “guardrails” for peaceful co-existence between China and the United States. Clinging to the United States to seek “independence” is a dead end and attempts to use the Taiwan question to contain China are doomed to failure”.
Bunsod ng nasabing pagbisita ay agad na ipinatawag ng Chinese Foreign Ministry ang US Ambassador sa China para sabihing hindi nila ito palalagpasin.
Dahil sa matinding tension ay naka-alerto ngayon ang China military kasabay ng pahayag na maglulunsad sila ng serye ng targeted military actions bilang tugon sa pagbisita ni Pelosi.
Magsasagawa ang China ng mga serye ng joint military operations malapit sa isla ng Taiwan, ayon sa anunsiyo ng People’s Liberation Army Eastern Theater Command ng China, ilang oras matapos ang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi.
Sinabi ni Col. Shi Yi, spokesman ng Eastern Theater Command, ang hakbang ng US ay tila babala dahil sa paghirit ng Taiwan ng kanilang kalayaan.
Ang Eastern Theater ay isa sa limang joint commands ng People’s Liberation Army (PLA) na sumasakop sa Fujian at Zhejiang province.
Nauna nang sinabi ni Pelosi at mga congressional delegations na ang pagbisita nila ay bilang pagkilala ng US sa demokrasya ng Taiwan.
Mahigpit na mino-monitor ng gobyerno ng Pilipinas ang mga kaganapan sa Taiwan kasunod ng sorpresang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi roon. (VICTOR BALDEMOR)














