Latest News

PILIPINAS, BIBILI NG ‘FIGHTER AIRCRAFT’ SA SWEDEN

By: Victor Baldemor Ruiz

Lumagda ang Pilipinas at Sweden sa isang kasunduan kaugnay sa planong pagbili ng bansa ng multi-role fighter (MRF) aircraft para sa Philippine Air Force (PAF).

Pinangunahan nina Joakim Wallin, Swedish defense materiel head of exports at PH assistant secretary for logistics, acquisitions and self-reliant defense posture Joselito Ramos, ng Department of National Defense ang paglagda ng naturang kasunduan na may pamagat na “Implementing Arrangement Concerning the Procurement of Defense Materiel and Equipment”.

Ayon sa Swedish Defense Materiel Administration, interesado ang Pilipinas sa Swedish systems kabilang ang fighter aircraft, command systems at airborne early-warning aircraft.


Ginawa ang pirmahan sa naturang kasunduan bago ang nakatakdang pagbisita ni Swedish Defense Minister Pål Jonson sa bansa sa Hunyo 5 bilang bahagi ng isang linggong pagbisita nito sa tatlong bansa sa Asia-Pacific kabilang ang Singapore, Australia at Pilipinas.

Nakatakdang makipagkita din ang Swedish official kay Defense Sec. Gilberto Teodoro at makikiisa sa pagdiriwang ng National Day ng Swedish Embassy.

Tags: Philippine Air Force (PAF)

You May Also Like

Most Read