Latest News

Pilipina kulong ng 110 taon sa pagpatay sa American professor

Hinatulan ng korte sa Estados Unidos ng 110 taon na pagkakakulong ang isang Pilipina na sangkot sa pagpatay sa isang propesor.

Napatunayan ng korte na sangkot ang Pilipina na kinilalang si Katherine Magbanua sa pamamaril kay Dan Markel, isang university professor, noong 2014 sa Florida.

Ayon sa korte, umaktong ” middle man” ang Pinay sa pagiitan nina Charles Adelson, na nag-utos ng pamamaril, at ang gunman na si Sigfredo Garcia.

Base sa ulat ng New York post, posibleng nag-ugat ang pagpatay sa masalimuot na diborsyo ng biktimang Markel at kapatid ng nagpapatay umano na si Adelson.

Nauna nang hinatulan ng korte ng habambuhay na pagkakakulong ang gunman na si Gracia noong 2019 habang nililitis pa ang kasi ni Adelson.

Nagpahayag naman ang kampo ng Pilipina na iaapela nila ang hatol ng korte kay Magbanua.

Tags:

You May Also Like

Most Read