PILIIN ANG MARANGAL KAHIT WALANG PARANGAL – PBBM

By: Victor Baldemor Ruiz

“Piliin ang marangal kahit walang parangal at ang paninindigan na tama kahit walang nakakakita.”

Ito ang hamon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. sa may 206 na miyembro ng Philippine National Police Academy PNPA Sinaglawin Class of 2025 na nagsipagtapos kahapon.

Dinaluhan at nagsilbing panauhing pandangal si Pangulong Marcos sa pagtatapos ng PNPA Sinaglawin Class of 2025 na binubuo ng 168 lalaking kadete at 38 lady cadette .


”Sa mundo natin ngayon, madalas pinagtatalunan ang katotohanan at madaling maligaw ang katapatan, hinihiling ko sa inyo: Piliin ang marangal kahit walang parangal at ang paninindigan na tama kahit walang nakakakita,” mensahe ng pangulo sa ginanap na 46th Commencement Exercises ng PNP ”Sinaglawin” Class of 2025 sa Silang, Cavite.

Sa 206 na nagsipagtapos ngayong araw, itinanghal na class valedictorian si Police Cadette Marc Joseph Vitto na taga-Oriental Mindoro.


Ginawaran si Cadette Vitto ng Presidential Kampilan Award at Journalism Kampilan Award habang nakuha rin nito ang Best in Forensic Science at Best in General Education.

Ang babaeng kadete naman na si Kristine Acidre ang pumangalawa sa klase na tubong Leyte. Nakatanggap siya ng Plaque of Merit at Vice Presidential Kampilan.


Si Cadette Jay Cheever Rocaberte naman mula Negos Oriental ang Top 3 ng klase na ginawaran ng Department of thr Interior and Local Government Kampilan Award.

Sa mga kadeteng pasok sa Top 10 graduates ng SinagLawin Class of 2025, anim sa mga ito ay mga kababaihan. Nakatanggap ang Top 10 ng Plaque of Merit.

Tags: Jr., Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos

You May Also Like

Most Read