Latest News

PICK-UP TRUCK, LAGLAG SA BANGIN, TATLO PATAY

By: Victor Baldemor Ruiz

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Benguet-PNP ang sanhi ng pagbulusok ng isang pick-up truck sa bangin na ikinasawi ng tatlong katao, habang isa pa ang nasa malubhang kalagayan sa nasabing aksidente kamakalawa sa Itogon Benguet.

Dead-on-the- spot si Charles Oplas, 21, habang idineklarang patay na nang idating sa pagamutan sina Jefferson Oplas, 29, ang driver ng pick-up truck at si Ruvelyn Agapinan.


Kinilala naman ang sugatang pasahero na si Luisito Bacoco, 14, na kasalukuyang nilalapatan pa ng lunas sa pagamutan.

Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat na nawalan ng kontrol si Jefferson Oplas sa kanyang minamaneho at tumama sa concrete barrier, hanggang mahulog sa may 100 metrong lalim na bangin sa may Barangay Ucab, Itogon, Benguet.

Ang mga biktima, na pawang mga residente ng Barangay Loacan, Itogon, ay patungong Baguio City nang maganap ang aksidente.


Tags: Benguet PNP

You May Also Like