PHP 13.6 MILLION HALAGA NG SHABU HULI SA JOINT OPERATION, ISANG HVT HULI

By: Victor Baldemor Ruiz

Nasa 2 kilo ng hinihinalang shabu na may street value na umaabot sa Php 13.6 million ang nakuha sa pag iingat ng nadakip na high value target sa ikinasang joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency- PDEA 7 at PNP sa Consolacion, Cebu

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo bandang alas 3:20 kamakalawa ng hapon ay nagsagawa ng joint buy bust operation ang mga tauhan ng Consolacion Municipal Police Station at PDEA Cebu Provincial Office sa District 2, Barangay Pulpogan, Consolacion, Cebu, na nag resulta sa pagkakadakip sa isang itinuturing na high value target at pagkumpiska sa may 2 kilos of shabu.


Kinilala ang nadakip na suspek na si alias James, 46, jobless, native of Bohol na pansamantalang naninirahan sa nasabing barangay.

Nahuli sa pag iingat nito angdalawang (20) pakete ng shabu na may kabuuang timbang na umaabot sa dalawang kilo, ang ginamit na buy-bust money, cash na nagkakahalaga ng P500, isang (1) KG 9 machine pistol with magazine inserted na may limang bala at isang black bag.

Kasalukuyang nasa pag iingat ng PDEA 7 Regional Laboratory ang nahuling shabu para sa chemical analysis at proper disposition.


Habang nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 and RA 10591 ang suspek.


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency- PDEA 7

You May Also Like