Viral ang mga larawan nina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre sa party ng Aivee clinic.
Anniversary ng beauty clinic and at the same time ay birthday din ng owner na si Dra. Aivee Teo.
Um-attend ang dalawang aktres sa event kung saan first time silang nakuhan ng photo na magkasama.
Maraming netizens ang natuwa sa dalawang winning actress na makita silang parehong nakangiti at masaya.
Sila ang matinding magkalaban noong kanilang henerasyon dahil sa loveteam na KathNiel (Kathryn at Daniel Padilla) at JaDine (James Reid at Nadine).
Dahil doon, pinag-aawayan ng fandom ang dalawang aktres kaya ni hindi nakukuhanan ng picture sina Kath at Nadine na magkasama.
Sa true lang, walang away ang dalawang aktres kaya natuwa ang netizens sa photo nila na viral ngayon sa social media.
“Buti na lang wala na silang ka-lovetem,” say ng isang netizen.
“NADINE AND KATH!!! The world is healing!!!”
“Akkkkkkkhh! Nadine and Kath in one frame!”
“Oh my gosh, my KathDine heart! Inaabangan ko ‘to!”
“Si Dra Aivee lang talaga nakakapagsama in one frame sa KathDine!”
Shout tuloy ng fans: “KATHDINE MOVIE PLSSSS”