Inihayag ng Philippine Navy na masasabak sila nang husto sa gaganaping U.S -Philippine joint Balikatan exercise sa huling bahagi ng buwan ng Abril.
Masusubok ng Philippine Navy (PN) ang kanilang mga bagong sandata partikular ang kanilang tatlong pangunahing missile system sa nalalapit na “Balikatan” war exercises kasama ang pwersa ng United States Armed Forces.
Ayon kay PN flag officer-in-command Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta, ilulunsad nila ang C-Star surface-to-surface missile, Spike Non-Line of Sight (NLOS) missile at Mistral surface-to-air missile mula sa mga unit ng Navy.
Nakatakdang magsagawa ng live fire exercises ang Philippine Navy sa April 21, 2025 sa Mariveles, Bataan.
Ayon kay Navy FOIC Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta, lalahok sa pagsasanay ang kanilang mga Acero class vessels na may bow numbers PG908 at PG909.
Ang mga ito ay bahagi ng Acero-class patrol vessels na may kakayahan para sa high-speed operations at advanced missile systems para sa epektibong maritime interdiction operations.
Gagamitin din umanodito ang spike non-line-of-sight missile weapon systems sa dalawa nilang fast attack interdiction crafts kung saan ipapamalas ang kanilang kakayahan sa maritime strike gamit ang C-Star surface-to-surface, Spike NLOS at Mistral surface-to-air missiles.
Ang live-fire exercises na gaganapin sa Abril 21 sa Mariveles, Bataan ay bahagi ng multilateral maritime drills na layuning palakasin ang kakayahang makipag-ugnayan sa ibang hukbo at tiyakin ang seguridad sa rehiyon.
Ang C-Star ay ginagamit ng Jose Rizal-class frigates, ang Spike NLOS ay nakadeploy sa Acero-class fast attack craft at ang Mistral 3 ay isang anti-air weapon na nagpapakita ng lumalakas na kakayahan ng Navy.
Habang ipinagdiriwang ng PN ang ika-127 anibersaryo nito sa Mayo, muling tiniyak ni Ezpeleta ang kanilang dedikasyon sa modernisasyon at katatagan ng rehiyon.