Latest News

PHILIPPINE NAVY, MAGKAKAROON NG DALAWANG BAGONG CORVETTE WARSHIPS

By: Victor Baldemor Ruiz

MALAPIT nang madagdagan ang naval asset ng Philippine Navy ng dalawang bagong Corvette class warship dahil sinisimulan na ng South Korean shipbuilder ang paggawa ng dalawang missile corvette.

Ayon kay Capt. Benjo Negranza, Navy Public Information Office chief, sinaksihan mismo ni Navy Flag Officer- in- Command (FOIC) Vice Adm. Toribio Adaci, Jr. at iba pang ranking official ang ‘keel laying’ para sa unang missile corvette nito at ang pagputol ng bakal naman para sa pangalawang missile corvette sa shipyard ng kumpanya sa southern city of Ulsan ng South Korea.


Ang nasabing aktibidad ay nagpapahiwatig ng pagsisimula ng proseso ng produksyon ng dalawang corvettes na madadagdag sa arsenal ng Hukbong Dagat ng Pilipinas.

Ayon kay Capt Negranza, ang steel- cutting ay nangangahulugan ng pagsisimula ng pagtatayo ng barko habang ang paglalagay ng keel ay tumutukoy sa pagtatayo ng pinaka-backbone ng barko.

Ang mga barkong ito ay lalagyan ng mga makabagong armas, sensor at combat systems na maaaring tumugon sa iba’t- ibang sitwasyon sa seguridad sa karagatan.


Ang mga corvette ay maaaring magsagawa ng anti-air, anti-surface at anti-submarine warfare operations.


Tags: Philippine Navy

You May Also Like