PINASALAMATAN ni Custom Commissioner Bienvenido Rubio ang Philippine Navy Naval Forces Eastern Mindanao kasama ang Bureau of Customs XI sa pagkakasabat sa isang Jungkung vessel na may kargang smuggled cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng P14 Million sa karagatan sakop ng Barangay Camudmud, IGACOS, Davao del Norte.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Comm Rubio naglunsad ng law enforcement operation ang Naval Task Force 71 ng NFEM sa pamamagitan ng BA492 ng 4th Boat Attack Division at Naval Special Operations Unit 7 kasama ang Bureau of Customs XI para masupil ang smuggling activities sa lugar.
Nadiskubreng may sakay na 468 master cases ng Canon brand smuggled cigarettes ang nasabat na FB ALYASRA-2 na sinasabing nagmula sa Sulu at dadalhin sana sa Davao City ng ma-intercept ng mga awtoridad.
Samantala nasa P18M-Worth ng puslit nba sigarilyo ang nasamsam ng mga tauhan ng BOC-Davao sa tulong ng Customs Collection District XII, at Philippine Navy Naval Forces, Brgy. Camudmud, Island Garden City of Samal.
Sakay ng fishing boat ang may 23,400 reams ang smuggled cigarettes at sampung tripulante na pansamantalang inilagay sa kustodiya ng Sasa Police Station for booking and filing of appropriate charges.
Sa kanyang ulat kay Rubio naglabas si District Collector Guillermo Pedro A. Francia IV ng warrant of seizure and detention laban sa banka at mga kontrabando .
“This operation reflects our unwavering commitment in combating illegal activities and ensuring the safety and security of our citizens. We will continue to work tirelessly to disrupt the illegal tobacco trade and protect our communities from its harmful effects”, pahayag Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio.