Nakikipag-ugnayan na sa Philippines Embassy sa Myanmar at maging ang mga defense-attached sa nasabing bansa kung saan kakailanganin ang tulong ng ipinadalang humanitarian contingent ng Pilipinas.
Nasa Myanmar na ngayon ang 91- man team na binuo ng Department of National Defense bukod sa 40 crew na ginamit para sa dalawang C-130 aircraft ng Philippines Air Force.
Lumipad patungong Myanmar ang Philippine Contingent for Humanitarian Assistance and Disaster Response Mission para tumulong sa paghananap ng mga bikitma matapos ang pagtama ng magnitude 7.7 na lindol doon.
Nitong madaling araw ng Abril 1 nang isagawa ang send-off ceremony sa Villamor Airbase sa lungsod ng Pasay. Kasama sa contingent ang mga personnel ng Philippine Air Force na kinabibilangan ng 505th Search and Rescue Group (SRG), PAF Aeromedical Teams at Aircraft Security Teams from the 710th Special Operations Wing (SPOW).
Sumakay ang mga ito sa C-130 aircraft mula sa 220th Airlift Wing.
Una nang tiniyak ni Defense Secretary and National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) chairman Gilberto Teodoro, Jr ang tulong na ibibigay sa bansang Myanmar.
Magugunitang pumalo na sa mahigit 2,000 katao ang inulat na nasawi sa malakas na lindol na yumanig sa Myanmar.
“Natuloy din ‘yung pagpapadala natin ng ating grupo upang makatulong tayo sa bansang Myanmar… Ito ‘yung ating paraan para ipakita natin ‘yung ating pagututulungan sa ating kapitbahay… Ito’y tungkulin natin bilang kasama sa Association of Southeast Asian Nations. Ang ating bansa ay handang tumugon,” ani OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno.
Hide trimmed content
“Unang-una, ‘yung pagtulong dun sa paghahanap dun sa mga maaaring buhay pa na mga naipit dun sa mga gumuhong istraktura diyan sa Myanmar. ‘Yan ang importante dahil may panahon pa para mailigtas sila. Pangalawa, galing sa DOH importante ‘yan meron silang ipinadala na 32-man team na mga makakatulong para sa medical mission at asisstance dito sa Myanmar,” dagdag pa ng opisyal.VERLIN RUIZ














