PHILIPPINE EMBASSY SA SINGAPORE, NAGBABALA SA ONLINE PLATFORM NA ILIGAL NA NAGRERECRUIT NG OFWS

By: Jerry S. Tan

Nagbabala ang Philippine Embassy sa Singapore kaugnay ng online platform na nagpa-facilitate ng pag-supply ng Filipino Household Service Workers (HSWs) sa Singapore.

Ito ay sa pamamagitan ng pag- advertise ng potential employers sa online.


Ayon sa embahada, nagpo-post din ang naturang website ng profiles na naglalaman ng mga sensitibong impormasyon ng mga aplikante para maging reference ng employers sa pagkuha ng domestic workers.

Nilinaw ng Philippine Embassy na hindi konektado sa kanila o sa alin mang attached agencies ang naturang online platform.

Pinaalalahanan din ng Embahada ang publiko na ang recruitment at deployment ng Filipino HSWs ay sa pamamagitan ng Singapore agency na accredited ng Migrant Workers Office (MWO) – Singapore.


Tags: Filipino Household Service Workers (HSWs)

You May Also Like