Philippine Disaster Risk Reduction Act, dapat nang amyendahan – Gibo Teodoro

By: Victor Baldemor Ruiz

Sa ginaganap na Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction ay inihayag ni Defense Secretary at NDRRMC Chairman Gilberto Teodoro, Jr. ang kahalagahan na maamyendahan ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Ito ay upang umakma sa kasalukuyang panahon at mga nararanasang pagbabago sa klima.


Ayon kay Sec. Gibo Teodoro, bunsod ng mga pagbabago sa sitwasyon at karanasan sa field ay may mga puwang na kinakailangang punan at mga prosesong dapat na gawin lamang na payak.

Target ng Kalihim na mas mapagtuunan ng pansin ang mga hakbang ng pamahalaan kaugnay sa disaster risk reduction.

Kaugnay sa nasabing risk reduction conference ay ibinahagi rin ni Teodoro ang inisyatibong El Niño portal na ngayon ay magiging permanenteng disaster risk reduction portal na lubhang naging kapaki-pakinabang sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagpaplano at pagbibigay ng datos bago pa ang posibleng kalamidad.


Tags: Jr., NDRRMC Chairman Gilberto Teodoro

You May Also Like