INIHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa 2024.
Kasunod na rin ito nang inaasahang pagdagsa sa mga pantalan ng mga pasaherong uuwi ng kanilang mga lalawigan para sa naturang okasyon.
Ayon sa PCG, aktibo na rin ang kanilang paghahanda sa mga operating units na isasailalim sa heightened alert simula sa Marso 23 hanggang sa Abril 3, sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024 ng Department of Transportation (DOTr).
Sa katunayan ay inatasan ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan ang mga PCG Districts, Stations, at Sub-Stations upang paigtingin ang kanilang seaborne patrols at mga safety measures sa lahat ng mga daungan at waterways sa buong bansa.
Napag-alaman kay PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo na layunin nitong matiyak ang maayos na operasyon ng mga sea transport facilities at maging kumbinyente ang sea travel, at nais rin umano nilang masiguro ang kaligtasan ng mga lokal at dayuhang turista sa mga pangunahing beach at private resorts, sa gitna ng inaasahang pagtaas ng volume ng maritime traffic.
“Magsasagawa rin ang mga Coast Guard personnel ng 24/7 monitoring ng mga nautical highways sa western at eastern seaboards, kabilang na ang inter-island routes, upang matiyak ang zero maritime casualty,” dagdag pa nito.














