Philippine Coast Guard binisita ng Chinese ambassador

Kasunod ng diplomatic protest na inihain ng Pilipinas sa China kaugnay sa idineklarang unilateral fishing season sa bahagi ng West Philippine Sea na sumasaklaw sa mga pinag-aagawang teritoryo ay nagsagawa ng courtesy call si Chinese Ambassador to the Philippine Huang Xilian sa tanggapan ng Philippine Coast Guard.

Ang pagbisita ay ginawa ni Huang sa harap nang inihain na diplomatic protest ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China kaugnay sa annual fishing ban ng China sa South China Sea sa mga sakop na lugar sa covering areas Philippines’ exclusive economic zone.


Tiwala ang Chinese envoy na mas magiging maganda ngayon ang ugnayan ng Philippine Coast Guard (PCG) at ang Chinese counterpart nito .

Inilatag ng Chinese official ang posibilidad na pagtutulungan ng dalawang ahensya matapos ang courtesy visit ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu.

Sinabi ni Abu na layunin ng pagbisita na magsagawa ng “review friendly exchanges and cooperation” sa PCG at China Coast Guard (CCG).


“We look forward to exchanging views on possible capacity-building activities between the CCG and PCG to strengthen rapport and confidence among the Philippine Coast Guard and the China Coast Guard to promote peace and stability in the region,” ayon kay Abu sa isang Facebook post.

Sinabi ni Huang na inaasahan niya na magiging mabunga ang pag-uusap ng magkabilang panig.


“I sincerely hope that the PCG and CCG would further strengthen cooperation to promote peace and stability in the region,” dagdag ni Huang.

Samantala sinusuportahan ng US ang Pilipinas sa pagbatikos nito sa unilateral seasonal fishing ban na idineklara ng China sa bahagi ng West Philippine Sea.


Sa isang statement sinabi ni US State Department spokesperson Ned Price na ang unilateral fishing moratorium ng China sa disputed territorial water ay salungat sa 2016 Arbitral Tribunal ruling at international law na nakasaad sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Nanawagan din ito sa China na sumunod sa obligasyon nito sa ilalim ng international law.

Ipinunto din ng US official ang naging pahayag ng Pilipinas hinggil sa hinaing diplomatic protest ng Department of Foreign Affairs para sa unilateral imposition ng tatlo’t kalahating buwan na fishing ban saklaw nito ang mga lugar sa may West Philippine Sea kung saan may kalayaan, sovereign rights at hurisdiksyon ang Pilipinas. (VICTOR BALDEMOR)



Tags: Chinese Ambassador to the Philippine Huang Xilian

You May Also Like