Nakiisa ang filipino boat sa daan daang vessels na lumahok sa Lembeh Strait Festival sa North Sulawesi, Indonesia noonh nakalipas na Linggo.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ,ang event ay ginawa sa Bitung sa layunin na palakasin pa ang turismo sa siyudad at isa ito sa 110 national events na ipinagdiriwang sa Indonesia.
Isa sa unang boat na idinesenyo sa Fluviap parade ay ang entry na dinisenyo ng Department of Tourism (DOT).
“Textile patterns, traditional Mindanao outrigger boats called vintas, beaches, and the Banaue Rice Terraces adorned the hull of the vessel, drawing the attention of spectators, “ayon sa DFA.
Nabatid na ang Philippine Consulate General sa Manado na pinangunahan ni Consul General Angelica Escalona, ang nag sponsor sa Philippine mural boat.
Nalaman na ang Bitung ay may malapit na ugnayan sa General Santos City and Davao City at hosts ng Kampung Filipin (Philippine village), kung saan ang mga residente ay isinama ang kulturang filipino.
Kasama sa potensiyal na top tourist destination na mag-uugnay sa eastern Indonesia sa Asia Pacific.
Ang 16-kilometro na Lembeh Strait ay mahaba at makitid na naghihiwalay sa mainland ng Sulawesi at Lembeh Island at tanyag sa makulay na tropical underwater life. (Arsenio Tan)