Latest News

PHILIPPINE ARMY, NAGSASAGAWA NG INVASION SCENARIO DRILL

By: Victor Baldemor Ruiz

KASALUKUYANG nagsasagawa ngayon ng simulated invasion drill ang Philippine Army na nakapaloob sa kanilang “Combined Arms Training Exercises” (CATEX) Katihan.

Ito ang pinakamalaking Combined Armed Training Exercise na ikinasa ng Philippine Army na sasalihan ng humigit kumulang sa 6,000 na libong sundalo kaalinsabay ng pagdiriwang nila ng ika-127 anibersaryo.


Ayon kay Philippine Army commander Lt. Gen. Roy Galido, kinabibilangan ng large-scale formations na gagalaw mula Visayas at Mindanao patungo sa Luzon ang nasabing malawakang pagsasanay ng kasundaluhan.

Paliwanag ni Gen. Galido sa isang pulong balitaan, sa pamamagitan nito ay sini-simulate ng Hukbong Katihan ang mga tropa para sa mga posibleng security situation na may sasalakay o magtatangkang sasakop sa Pilipinas.

“’Yung ilalagay mo sa isang lugar ‘yung maraming units from different parts of the country. Kumbaga sinisimulate mo ‘yung possible security situation na may sasakop sa ating bansa. Ngayon, this will entail moving units from Visayas, Mindanao, to Luzon,” ani Galido.


“Ito po ay ginagawa natin para ma-ensayo po ang mga units natin sa bagong tungkulin nito na i-defend ang ating lupa. Paliwanag pa ng heneral ngayong unti unti nang pumipihit ang Sandatahang Lakas sa external defense.

Nuong April 10, 2024 , isinagawa ang send-off ceremony ng mga sundalong lalahok sa Combat Readiness Training Area sa Laur, Nueva Ecija na bahagi ng Combined Arms Training Exercise ng Hukbong Katihan na nilalayong masubok ang kapabilidad ng mga tropa sa move, maneuver, and sustain large-scale forces sa kasagsagan ng combat operations.


Tags: Philippine Army

You May Also Like