Latest News

PHILIPPINE ARMY, NAGPADALA NG TATLONG SEARCH & RESCUE TEAMS

Nag-deploy kahapon ang Philippine Army ng tatlong search-and-rescue teams na siyang magfo-focus sa ground search sa mountain side malapit sa Bayan ng Divilacan para tutukan ang paghahanap sa nawawalang Cessna plane.

Ayon kay Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad, kabilang sa mga nagsasagawa ng search and rescue ay ang mga tauhan ng 95th Infantry Battalion at 5th Infantry Division na binubuo ng 33 personnel.


Sinabi ni Col. Trinidad na naka-focus umano ang kanilang search and rescue operations sa tatlong barangay sa Cagayan kabilang ang Dicambangan at Sapinit sa Divilacan at ang Dibuluan village sa San Mariano.

Pitong araw nang hinahanap ang nawawalang Cessna 206 single-engine plane na may lulang anim na katao noong Lunes o January 23 ng hapon, matapos itong umalis mula sa Cauayan, Isabela Airport.

Pinupuntiryang marating ng mga ground search and rescue team ang ‘site alpha’ o lugar na mayroong nakitang ‘white object’ kung saan ito ay ang pinaniniwalaang nawawalang Cessna 206.


Sinusuyod ng rescue team ang mga bulubunduking bahagi para maberepika ang nakitang isang bagay na posibleng debris mula sa nawawalang Cessna plane sa Isabela.

Ayon kay Isabela Provincial Information Office administrative officer Joshua Hapinat, ang naturang bagay ay nakita ng mga residente malapit sa Barangay Sapinit sa Divilacan, Isabela.


Ang naturang residente ay nasa loob ng 25-kilometer malapit sa Ilagan-Divilacan Road.

Bago nito ay sinabi rin ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) head Constante Foronda na ang lugar kung saan namataan ang ‘object’ ay ‘consistent’ sa mga hints sa posibleng kinaroroonan ng nawawalang eroplano na base na rin sa pahayag ng isang magsasaka.


Nahirapang makaka-take off din ang mga choppers ng Philippine Air Force dahil sa masamang lagay ng panahon sa northern part ng Sierra Madre, kaya pahirapan umano na makarating sa nasabing lugar ang aerial rescue team dahil sa mas naging masungit ang panahon ngayong araw

Samantala , puntiryang marating ng ground rescue team ang lugar kung saan doon na sila magpapalipas ng gabi.

Nilinaw naman ni Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Atty Constante Foronda na wala pa ring katiyakan na ang nakitang white object ay ang nawawala nang Cessna 206 dahil posible rin aniyang ito ay ang mga nauna nang bumagsak na eroplano noon sa nasabing lugar.



Gayunman ay malaki anya ang posibilidad na ito ang nawawalang eroplano dahil pasok ito sa 20 kilometer radius mula sa cellsite ng Maconacon kung saan natukoy ang posibleng kinaroonan ng cellphone ng isa sa mga pasahero

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Engineer Ezikiel Chavez ng Divilacan, pinagtutuunan ngayon ng pansin na makuha ang eksaktong coordinates upang matukoy ang kinaroroonan ng nawawalang eroplano. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Philippine Army

You May Also Like

Most Read