Latest News

PHILIPPINE ARMY, MANGANGALAP NG DAGDAG PUWERSA

WALANG kinalaman sa nagaganap ngayong tension sa pagitan ng Russia at Ukraine ang target ng Philippine Army palakasin ang pwersa ng hukbo sa pangangalap ng dagdag na tauhan.

Ang Hukbong Katihan ay magsasagawa ng dalawang araw na recruitment caravan sa kanilang punong himpilan ngayong weekends, March 12 at 13 at magsisimula ng alas-otso ng umaga sa Philippine Army Grandstand sa Fort Bonifacio, Taguig Metro Manila .

Ayon kay Office of Army Chief Public Affair commander , Col Xerxes Trinidad bahagi lamang ito ng pagdiriwang ng kanilang ika-125 anibersaryo na may Temang: “Philippine Army @ 125: Kapayapaan Para Sa Lahat.”


Dito ay magbibigay rin ng impormasyon ang mga army recruitment officers tungkol sa mga oportunidad, pribilehiyo at career path sa Philippine Army.

Bukas ang aplikasyon para sa mga interesadong maging regular na sundalo, reservist o civilian human resource ng Philippine Army.

Dito’y maaaring makita ng publiko ang iba’t-ibang assets ng Philippine Army na naka-display sa kanilang ilalatag na Kinetic display kaugnay pa sa kanilang ika 125 taon.

Una rito ay naglunsad din sila ng 2-day License To Own and Possess Firearms (LTOPF) caravan sa Ricarte Hall, Fort Bonifacio.


Layunin nito na matulungan ng Philippine Army ang mga uniformed personnel, civilians, at mga dependents para sa madali at mabilis na LTOPF registration habang isinusulong ang mission ng gobyerno hinggil sa pagigin responsible gun owners.

“The one-stop shop caravan encouraged a hassle-free licensure for all loose firearms especially during the implementation of gun ban this upcoming elections,” ani Col Trinidad.

“All applicants underwent neurological and psychiatric examination, drug testing, gun safety test, and responsible gun ownership. Other necessary documents needed were valid government ID’s, NBI, and police clearance, and proof of income on which all services were also installed in the caravan,” dagdag pa ng tagapagsalita. (VICTOR BALDEMOR)


Tags:

You May Also Like

Most Read