PHILIPPINE ARMY, MAGSASANAY SA PAGGAMIT NG TYPHON MISSILES

By: Victor Baldemor Ruiz

INIHAYAG ng pamunuan ng Philippine Army na sasanayin nila ang kanilang mga sundalo sa paggamit ng Typhon mid-range capability (MRC) missile sa darating na Philippine-US military drills sa Pebrero, ayon kay Philippine Army spokesman Col. Louie Dema-ala.

Ayon kay Col. Dema-ala hanggang nasa bansa ang mid-range capable missile ng United States ay sasamantalahin nilang matutunan at makasanayan ang paggamit ng nasabing armas.


Nabatid na may panibagong pulutong ng mga sundalo mula sa Philippine Army ang magsasanay sa payload delivery system ng Typhon mid-range capability (MRC) missile sa darating na Philippine-US military drills sa Pebrero.

“A payload delivery system is a device that transports and releases a payload, such as a package or other item. Payload delivery systems can be used by drones, robots, or rockets, ” paliwanag ng isang Army Officer.

Nabatid na walang magaganap na live fire sa gagawing pagsasanay ngayong buwan ng Pebrero.


Sa pagsasanay, itatampok ng Army Artillery Regiment at US Army Pacific (Usarpac) ang paggamit ng Typhon missile system, na unang dumating sa bansa noong Abril 2024 at huling naiulat na nasa Ilocos Norte region.

Tahasang tinututulan ng China ang deployment ng Typhon missiles sa Pilipinas, subalit nanindigan ang Department of National Defense (DND) na hindi ito aalisin.


Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro, hindi naman nila pinakikialaman ang nakaimbak na missile ng China, kasabay ng paglilinaw na ang pananatili ng mga inaangalang missiles ng China ay para lamang sa pagsasanay at hindi nakatuon sa anumang bansa.

Nais din umano ng kalihim na bigyang-diin na ang pinupunang Typhon missile system ng China ay para lamang sa defense purposes at hindi nakatuon sa anumang bansa.


Kamakailan ay sinagot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pag-iingay ng China hinggil sa ginawang redeployment ng Typhon missile launchers ng Estados Unidos sa ibang lokasyon sa Luzon.

“Well, I don’t understand their comments on the Typhon missile system. We don’t make comments on their missile systems and their missile systems are a thousand more powerful than we have. So I don’t understand, you know,” ani Pangulong Marcos.



Tags: Philippine Army

You May Also Like