NAGBABALA ang Supreme Court (SC) sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na tiyaking matutugunan nito ang obligasyon na may pondo para sa health care services ng mga Filipino sa halip na gamitin ang pondo para sa kompensasyon ng kanilang mga empleyado.
Sa15-page desisyong isinulat ni Associate Justice Filomena Singh, kinatigan nito ang inisyu ng Commission on Audit (COA) na ‘notices of disallowances’ kaugnay sa ginawang pagbibigay ng Philhealth ng bagong allowances sa mga empleyado noong 2010 na umaabot sa P43. 8 milyon na walang pag-apuoba ng Presidente.
Ibinasura rin ng SC ang petisyon ng PhilHealth na balewalain ang naging desisyon ng COA noong Disyembre 28,2016 at resolusyon na may petsang Enero 31,2020 na sa palagay nila ay walang merito.
Ayon sa SC, nakagawa ng ‘grave abuse of discretion ‘ ang COA nang ibasura nito ang petition for review ng PhilHealth dahil tama lamang umano na ayusin ang kompensaayon ng mga empleyado alinsunod sa batas.
“Under the law, Article IV, Section 16(n), states that the state insurer will be allowed to “organize its office, fix the compensation of, and appoint personnel as may be deemed necessary and upon the recommendation of the president of the corporation,” ayon sa SC.
Magugunita na ang nabanggit na.pribilehiyo na magkaroon ng sariling kompensasyon ay sinuportahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.













