Naging matagumpay ang pagbubukas ng Philippine ROTC Games (PRG) Luzon Leg sa Cavite State University sa Indang, Cavite na sinaksihan nina Senator Bong Go at Francis Tolentino kamakalawa.
Ang pinakamalaking regional tournament ng PRG ay sinalihan ng iba’t ibang ROTC units mula sa iba’t ibang colleges at unibersidad sa Region 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, at Region 5.
Sila ay maglalaban-laban sa iba’t ibang kompetisyon tulad ng track and field, basketball, kickboxing, boxing, arnis, volleyball, at e-sports.
Saksi rin sa pagbubukas ng PRG Luzon Leg sina Senator Francis “Tol” Tolentino, Senator Christopher “Bong” Go, 2nd Infantry Division Commander Maj. General Roberto S. Capulong at 202nd Infantry Brigade Commander Brig. General Cerilo C. Balaoro.