PHIL. NAVY, SASABAK SA RIMPAC 2024 SA HAWAII

By: Victor Baldemor Ruiz

NAKATAKDANG i-deploy ng Philippine Navy ang lead landing dock nito para sa gagawing ika-29 na biennial Rim of the Pacific (RIMPAC) exercise na nakatakdang ganapin mula Hunyo 26 hanggang August 2 sa Hawaii.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson Commander John Percie Alcos, gaganapin ang send-off ceremony para sa kanilang lead landing dock sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales sa Hunyo 2, 2024


Inihayag pa ni Cdr Alcos na kabilang ang Pilipinas sa 29 na bansa na sasabak sa maramihang naval exercises.

“It is really important because all of the countries under the US alliance will be joining the RIMPAC,” ani Alcos.

“It is one of the biggest, if not the largest, naval exercises in the world, so we have to be there,” dagdag pa ng tagapagsalita.


Sa inisyal na programang nasilip ng media ay humigit kumulang sa 40 surface ships, tatlong submarines, 14 national land forces, at 150 aircraft ang lalahok sa nasabing maritime exercises.

Bukod pa rito ang nasa 25,000 personnel mula sa mga bansa na nagpahayag ng kanilang intensyon na lumahok sa massive naval exercise na nagsimula noong taong 1971


Bukod sa Pilipinas ay kasali rin sa gaganaping RIMPAC 2024 ang puwersa ng Australia, Belgium, Brazil, Brunei, Canada, Chile, Colombia, Denmark, Ecuador, France, Germany, India, Indonesia, Israel, Italy, Japan, Malaysia, Mexico, Netherlands, New Zealand, Peru, Singapore, South Korea, Sri Lanka, Thailand, Tonga, the United Kingdom, at ang US.


Tags: Philippine Navy

You May Also Like