PHIL. NAVY, DI NAKALIGTAS SA BAGYO

Hindi nakaligtas sa bagyo at baha ang tatlong dati at decommissioned vessels ng Philippine Navy.

Lumubog ang BRP Rajah Humabon (PS11), BRP Sultan Kudarat (PS22) at BRP Cebu (PS28) habang sila ay nakahimpil sa Naval Station Pascual Ledesma sa Cavite.

Makikita sa aerial inspection ng Office of the Civil Defense (OCD) ang nasabing paglubog ng mga barko.


Ayon sa Philippine Navy na ang nasabing mga tatlong decommissioned vessels ay tinanggalan na ng mga serviceable equipment at mga usable materials.

Nasa disposal process na ang mga ito nakatakdang ibenta bilang scrap base sa polisiyang umiiral. (VICTOR RUIZ BALDEMOR)

Tags: Philippine Navy

You May Also Like

Most Read