ISANG domestic shipping vessel na may lulan na unmarked fuel cargo ang sinabat at kinostodiya ng Philippine Navy Naval Forces Eastern Mindanao at Bureau of Customs-Port Davao Hijo Port sa Tagum City.
Ito ay makaraang kumuha ng fuel samples ang mga awtoridad sa kanilang fuel cargo para suriin at madetermina ang presensya ng fuel marker. Ang fuel marker ay isang uri ng inert chemical na dinadagdag sa fuel matapos silang makapagbayad ng Customs duties and taxes. Sa isinagawang Field and confirmatory laboratory tests ay nakumpirmang walang fuel marker ang kargamento ng nasabing tanker.
Ipinatawag ng BOC ang may ari ng vessel na may kargang unmarked fuel para pagpaliwanagin at patunayang wala silang nilabag na batas.
Hanggat nakabinbin ang ipinatawag na pagdinig ay mananatili sa kustodiya ng BOC ang tanker at ang karga nitong 1,944,120,000 liters of fuel. Habang nakabantay naman ang Naval Forces Eastern Mindanao sa fuel tanker at kargamento nito.
Nahaharap ang fuel owners face sa paglabag sa DOF-BOC-BIR Joint Circular 001-2021 and Section 13 of Customs Memorandum Order (CMO) No. 43-2019 “Treatment of Unmarked Fuel, Diluted Marked Fuel or Containing Fraudulent Marker.”
Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz , patuloy na babantayan ng kanyang mga tauhan ang bawat border ng Pilipinas ang lahat ng pantalaan na bahagi ng kanilang pagpapalago ng kanilang revenue collection na bahagi ng socioeconomic agenda ni President Ferdinand Marcos. Jr. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)