PH-US MARINES, NAGSASAGAWA NG MARINE AVIATION SUPPORT ACTIVITY 2022

NAGSASAGAWA ngayon ng Marine Aviation Support Activity 2022 ang pinagsanib na pwersa ng Philippine Marine Corps at United States Marine Corps Forces Pacific para palakasin ang kanilang interoperability capability at kaalaman sa sensor operations, air surveillance, air defense, at High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) infiltration.

Ayon kay PMC Commandant, MGen. Nestor C. Herico PN(M) lubhang mahalagang papel ng aviation sa mga military operation upang higit na mapalawak ang kakayahan ng Navy at Marines


Pinasimulan ang mga pag aaral at mga sabayang pagsasanay sa lalawigan ng Palawan at magtatapos sa Hunyo 17 na kinabibilangan ng pinagsamang joint forward arming at refueling demonstration, at isang lecture sa mga operasyon ng unmanned air systems.

Magsasagawa ng serye ng mga pagtuturo ang US Marines hinggil sa sensor operations, air surveillance, air defense, and HIMARS infiltration.

Apat na C-17 aircraft ng US Air Force ang dumating sa Laoag City noong Hunyo 6, kasama ang isang US C-130 plane na may dalang mga tauhan at kagamitan para sa ikalawang leg ng ehersisyo na tatakbo naman mula Hulyo 18 hanggang 22.


Ang MASA 2022 ay naglalayon na pahusayin ang pinagsama at magkasanib na interoperability sa pagitan ng pwersang dagat ng Pilipinas at US sa pagsasagawa ng pinagsamang mga taktikal na operasyon at heliborne na operasyon.

Kasama rin dito ang pinagsama-samang at magkasanib na interoperability na aktibidad tulad ng coastal defense forward arming at refueling, at pagpapalitan ng paksa para sa unmanned aviation system at engineering kasama ang mga kalahok mula sa Naval Air Wing ng Philippine Navy at Philippine Air Force.


“Training side-by-side increases a combined military capability and friendship which directly contributes strength to this alliance”, pahayag naman ni Lt. Gen. Steven R. Rudder, Commander, US Marine Corps Forces Pacific,

Nagpasalamat din si Lt. Gen. Steven R. Rudder, sa pamahalaan ng Pilipinas sa pagsuporta sa idinaraos na PH-US MASA 22. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Marine Aviation Support Activity 2022

You May Also Like