Latest News

PH sprint queen Lydia de Vega pumanaw

Pumanaw na ang sprint queen ng Pilipinas noong dekada 80 na si Lydia de Vega dahil sa breast cancer sa edad na 57.

Ito ay kinumpirma ng anak ni De Vega na si Stephanie Mercado-de Koenigswarter sa Facebook Miyerkules ng gabi.

Na-diagnose ang dating sprint queen na may breast cancer noong 2018.


Ayon sa anak ni De Vega, naging “very critical” ang kondisyon ng kanyang ina.

Matatandaang isa si De Vega sa matatawag na “greatest athletes” ng bansa, matapos manalo siya ng siyam ng gold medals sa Southeast Asian Games at dalawang gintong medalya sa Asian Games.

Nagtala rin siya ng personal best na 11.28 seconds sa 100-meter run, maituturing na national record sa loob ng 33 taon, Hanggang ma-break ito ni Kristina Knott noong 2020.

Huling nakita si De Vega sa opening ceremony ng 2019 Southeast Asian Games na hinost ng Pilipinas.


Tags: Lydia de Vega

You May Also Like

Most Read