KASALUKUYAN na umanong iniimbestigahan ng Department of Foreign Affairs ang isang insidente dahilan para pabalikin ang ambassador ng Pilipinas sa Saudi na si Arabia Adnan Alonto na bumalik na sa bansa
Ayon sa report, iniutos ng DFA kay Alonto na “bumalik sa Pilipinas” para sa “home office consultations” matapos may lumabas na video na nagpapakitang ang misis ng envoy ay “nangangampanya” umano pabor kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Filipino community sa Saudi Arabia.
Inulit ng DFA ang panawagan sa personnel nito na “ here and at Foreign Service Posts on the prohibition against engagement, whether directly or indirectly, in any electioneering or partisan political activity.”
Binigyang-diin ng DFA na hindi pinapayagan at kukunsintihin ng ahensiya ang gawaing labag sa Omnibus Election Code, sa Overseas Voting Act of 2013 gayundin sa COMELEC-CSC Joint Circular.